Ayon kay Mabini Mayor Bistrics Luistro, nasa ‘state of shock’ pa ang mga residente hanggang sa ngayon dahil sa sunod-sunod pa ring aftershocks.
Sinabi ng alkalde, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaranas ang kanilang bayan ng malakas na lindol sa loob ng 100 taon.
Sa inisyal na pagtaya ng Mabini Municipal Disaster Risk Reduction Management Council, aabot sa halagang 28.5 million pesos ang nawasak sa kanilang imprastruktura.
Ilang residente ang bahagyang nasugatan matapos mabagsakan ng debris, pero tiniyak nito na walang nasawi matapos ang lindol.
Aabot naman sa siyamnapung bahay ang totally-damaged, habang animnaraan ang partially-damaged.