Comelec, hinimok ang publiko na magpa-rehistro para sa Brgy. & SK polls ngayong Semana Santa
Hinimok ng Commission on Elections o Comelec ang publiko na samantalahin ang Semana Santa upang makapagpa-rehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK polls sa October 23, 2017.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, bukas ang Offices of Election Officers o OEOs sa Holy Monday (April 10) hanggang Holy Wednesday (April 12), maging sa Black Saturday (April 15), mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Sinabi ni Jimenez na bubuksan ng Comelec ang kanilag OEOs kahit Holy Week upang mas maraming Pilipino ang makapagpa-rehistro.
Sarado naman ang OEOs sa Holy Thursday (April 13) at Good Friday (April 14).
Noong Sabado, binanggit ng Comelec na aabot na sa 2,174,601 ang kabuuang bilang ng application for registration, simula noong November 7, 2016 hangang March 25, 2017.
Sa naturang bilang, ang regular registrants nationwide ay 1,558,892, habang ang SK registrants ay pumalo na sa 615,709.
Magtatapos ang registration sa April 29, 2017 o 120 days bago ang petsa ng halalang pambarangay at SK sa October 23, 2017, batay sa Voter’s Registration Act of 1996.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.