Duterte, iniutos ang mabilis na pagpapalabas ng 6 bilyong piso retirement pension ng mga beterano

By Isa Avendaño-Umali April 09, 2017 - 01:07 PM

 

DIGONGInatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management at ang Department of National Defense na madaliin na ang pagpapalabas ng 6 billion pesos na retirement pension para sa mga beterano sa bansa.

Inihayag ito ng presidente sa pagdalo nito sa ika-pitumpu’t limang anibersaryo ng Araw ng Kagitingan o Day of Valor sa Mt. Samal National Shrine sa Bataan.

Sakop ng naturang utos ni Duterte ang fiscal years 2008 hanggang 2013, kung saan kasama ang 6.421 billion pesos na pensyon para sa mga beterano.

Dahil sa anunsyo ni Duterte, naghiyawan sa tuwa ang mga naroroon sa Mt. Samal National Shrine gaya ng mga beterano, mga biyuda ng mga beterano at kani-kanilang mga kaanak.

Sa kanya pang talumpati, tiniyak ni Duterte sa mga beterano at mga pamilya nito na tututukan ng pamahalaan ang mga entitlement o karapatan tulad ng serbisyong pangkalusugan at edukasyon.

Inatasan din ng presidente ang Veterans Memorial Medical Center at 152 na veterans-accredited hospitals na patuloy na magbigay ng libreng-serbisyo sa mga beterano.

Dagdag ni Duterte, mahigit sa 2,500 dependents ng mga beterano ay nakapasok sa mga eskwelahan sa ilalim ng Iskolar ng Bayan.

Bago magpaalam, isinigaw ng pangulo “Mabuhay ang beterano! Mabuhay ang Pilipinas!”

 

TAGS: 75th Day of Valor, Rodrigo Duterte, 75th Day of Valor, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.