Listahan ng #WalangPasok bukas, April 10 sa Batangas

walang pasokSinuspinde na ang mga klase sa lahat ng antas sa Batangas City bukas, araw ng Lunes, April 10.

Ito ay kasunod ng pagtama ng sunud-sunod na malalakas na lindol sa malaking bahagi ng Luzon, hapon ng Sabado.

Ayon kay Batangas City Mayor Beverly Dimaucha, ang pagsuspinde ng klase ay magbibigay daan sa isasagawang pag-iinspeksyon sa istruktura ng mga paaralan sa lungsod.

Sinabi din ni Dimaucha na pinayuhan naman ang mga government employees sa lungsod na pumasok sa trabaho bukas habang ang mga manggagawa naman mula sa private sector ay kinakailangan hintayin ang abiso mula sa mga employer.

Tatlong sunud-sunod na malalakas na lindol ang yumanig sa lalawigan ng Batangas sa loob ng tig-kalahating oras, kahapon, araw ng Sabado.

Dahil dito, marami sa mga establisyimento kabilang na ang mga eskwelahan ang napinsala.

Read more...