CBCP, nagpaalala sa mga Katoliko na pagtuunan ng pansin ang mas malalim na kahulugan ng Palm Sunday

By Angellic Jordan, Mariel Cruz April 09, 2017 - 10:10 AM

CBCPSa pagsisimula ng Semana Santa, may paalala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga katoliko.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano ng CBCP, hindi dapat mas pinagtutuunan ng pansin ang literal na aspeto ng palaspas.

Pinatutungkulan ni Secillano ay ang superstitious belief ng ilang mga Filipino na ang pagkakaroon ng palaspas na may bendisyon ay magdadala ng suwerte at magtataboy ng masasamang espiritu.

Sa isang panayam, sinabi ng executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs na hindi dapat naniniwala ang mga katoliko sa naturang pamahiin.

Ang dapat aniyang pinagtutuunan ng pansin ay ang totoo at mas malalim na kahulugan ng Palm Sunday, at ito ay ang pag-alala sa sakripisyo ni Hesus Kristo sa pagbubuhat ng Krus.

Sinabi din ni Secillano na hindi kinakailangan magdala ng palaspas sa misa, dahil ang mas importante ay ang pagsisimba.

Tuwing Linggo ng Palaspas ginugunita ang pagpasok ni Hesus Kristo sa Jerusalem, kung saan sinalubong siya sa pamamagitan ng pagwagayway ng dahon ng niyog.

Marami sa mga Filipino ang iniuuwi ang palaspas pagkatapos bendisyunan sa misa, sa paniniwalang itataboy nito ang masasamang espiritu kapag inilagay sa pintuan o bintana ng bahay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.