Ilang lugar sa Northern Luzon apektado na ng power interruption dahil sa bagyong Ineng
Apektado na ng power interruption ang ilang lugar sa Benguet at Cagayan dahil sa malakas na hanging dulot ng bagyong Ineng.
Ayon kay Gerardo Verzosa, general mananer ng Benguet Electric Cooperative, nabagsakan ng malalaking puno ang ilang mga linya ng kuryente sa Baguio City.
Sa abiso naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ala 1:17 ng madaling kanina nang mag auto-tripped ang La Trinidad-Sagada 69kV line.
Dahil dito, nawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Benguet at ang buong franchise area ng MOPRECO o Mountain Province Electric Cooperative Inc.
Mula alas 6:46 kanina wala ring kuryente ang ilang bahagi ng Tuba at Itogon sa Benguet.
Apektado rin ng power interruption ang Gonzaga, Sta. Teresita, Buguey at Sta. Ana sa Cagayan, matapos mag auto-tripped ang Magapit-Sta. Ana 69kV line kaninang bago mag alas 5:00 ng umaga.
Ayon sa NGCP ang iba pang transmission lines na nagkaproblema kaninang umaga dahil sa malakas na hanging nararanasan sa Northern Luzon ay naisaayos na./ Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.