5 naitalang sugatan sa malakas na lindol sa Batangas -PDRRMC
Umakyat na sa limang indibiduwal ang naitala na nasugatan sa pagtama ng sunud-sunod na malalakas na lindol sa Batangas.
Ayon kay Batangas Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) chief Lito Castro, isa sa mga nasugatan ay nagtamo ng sugat sa ulo matapos mabagsakan ng debris.
Dinala aniya ang biktima sa Bauan General Hospital at nilapatan na ng kaukulang lunas.
Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Castro ukol sa dalawang sugatan.
Samantala, lubhang napinsala ng lindol ng bayan ng Mabini sa Batangas.
Malaking bahagi ng sikat na Hotel Camp Netanya na inaasahang dadayuhin ng mga turista ngayong Holy Week ang nasira dahil sa malakas na pagyanig.
Maging ang Mabini General Hospital at maraming bahay sa Sitio Balanoy at San Teodoro ay lubhang napinsala din.
Una nang sinabi ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na nagkaroon ng landslides sa Agoncillo, Batangas City at sa Mt. Maculot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.