LGBT people, hindi pa “totally accepted” sa Pilipinas-US professor

11909694_10206228508486806_2052700561_n
Kuha ni Rose Cabrales

Wala pang ‘total acceptance’ sa mga LGBT members sa Pilipinas.

Ito ang obserbasyon ng US Professor na si Lee Badgett mula sa Center for Public Policy and Administration ng University of Massachusetts sa kaniyang dalawang linggong pananatili at paglilibot sa ilang mga lugar sa bansa. Si Badgett ay author ng librong When Gay People Get Married: What Happens When Societies Legalize Same-Sex Marriage.

Nagsagawa rin ng mga pag-aaral si Badgett kaugnay sa kahirapan sa LGBT community at sa relasyon ng LGBT inclusion sa paglago ng ekonomiya.

Ayon kay Badgett sa kaniyang pakikipag-usap sa LGBT community sa Pilipinas, masasabi niyang marami pa ring LGBT members ang nakararanas ng diskriminasyon mula sa kanilang mga employers. Ang iba ay nahihirapang makakuha ng trabaho. “What I heard from the LGBT people I talked to is that, there’s a certain level in many cases of tolerance for them but not necessarily total acceptance people still sometimes face discrimination from their employers, or they have a hard time getting a job,” sinabi ni Badgett sa panayam ng Radyo Inquirer.

Ayon kay Badgett isa rin sa mga isyung nabanggit sa kaniya ng mga nakausap niyang LGBT groups ay ang hindi pantay na benepisyong kanilang nakukuha hindi gaya ng mga babae at lalaki.

Dagdag pa ni Badgett, dito sa Pilipinas, ‘socially accepted’ ang mga LGBTs pero hindi ‘morally accepted’.

Naniniwala naman si Badgett na kung mabibigyang pagkakataon lang ang mga LGBT members na mapagkalooban ng pantay na oportunidad sa trabaho, edukasyon at institusyon ay mas maipapakita nila ang galing at kakayahan para makapag-ambag sa ekonomiya ng bansa. “I think there is some room for the Philippines to become more inclusive whether it is legally or socially in workplaces, families, education and institution. And that might make LGBT people a better contributor to the economy,” dagdag pa ni Badgett.

Isa ang nakabinbing panukalang batas na Anti-Discrimination bill sa nakikita ni Badgett na makatutulong ng malaki para sa mga LGBT members sa bansa./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...