AFP, hawak na ang mag-asawang hinihinalang may kaugnayan sa ISIS

By Rod Lagusad April 09, 2017 - 06:00 AM

isis coupleDinala sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mag-asawang banyaga na inaresto na hininalang may
kaugnayan sa Islamic State.

Nasa kustodiya na ng AFP Intelligence Service Group sa Fort Bonifacio, Taguig sina Husayn al-Dhafiri na mula sa Kuwait at Rahaf Zina na mula naman sa Syria.

Pinanguhan ni Maj. Jonathan Escopalao ang ginawang pag-turn over ng dalawa sa AFP.

Una dito, nasa pangangalaga ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa kasunod ng pagkakaaresto ng mga ito.

Hinihinalang may kaugnayan si Al-Dhafiri sa paggawa ng mga pampasabog at tinukoy na isang Islamic State
middle-level leader at kapatid ng isang dating lider ng Islamic State na ngayon ay patay na.

Habang si Zina naman ay iniulat na dating asawa ng isang dating second in command leader ng nasabing grupo at nasa na nasa apat o limang buwang buntis ito.

TAGS: AFP, armed forces of the philippines, Husayn al-Dhafiri, ISIS, National Bureau of Investigation, NBI, Rahaf Zina, AFP, armed forces of the philippines, Husayn al-Dhafiri, ISIS, National Bureau of Investigation, NBI, Rahaf Zina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.