P100,000 cash incentive sa mga centenarian, ipamimigay na ng DSWD

By Chona Yu April 09, 2017 - 05:52 AM

centenarianMagandang balita sa mga matatandang may edad na isandaan o sa mga centenarians.

Ito ay dahil sa ipamimigay na ng Department of Social Welfare and Development ang tig-isandaang libong piso sa
2,992 na centenarians na naitala sa ibat-ibang bahagi ng bansa noong 2016.

Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, naipamigay na ang pondo sa mga field offices at nasa proseso na ngayon ng validation.

Ang Region 6 ang nakapagtala ng may pinakamaraming centenarians na aabot sa 360 at sinundan ng region 3 na
may 342 centenarians.

Gayunman sa 360 na naitala sa Region 6, 38 dito na ang namatay.

Pero ayon kay Taguiwalo, maari namang maibigay ang isandaang libong pisong incentives sa otorisadong
benepiasyaryo.

Taong 2016 na maging epektibo ang nasabing batas.

TAGS: cash incentive, centenarian, Department of Social Welfare and Development, dswd, cash incentive, centenarian, Department of Social Welfare and Development, dswd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.