Shellfish sa Western Pangasinan, hindi maaaring kainin dahil sa red tide
Nagpositibo sa red tide ang katubigan sa Bolinao at Anda sa Pangasinan ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources (BFAR).
Dahil dito, nagbabala ang BFAR sa publiko na hindi maaaring kainin ang lahat ng uri ng shellfish at Acetes o
alamang mula sa mga apektadong lugar.
Lumabas sa pagsusuri ng kawanihan na kontaminado ang katubigan sa Bolinao at Anda ng Paralytic Shellfish
Poison (PSP) na lagpas sa regulatory limit nito.
Samantala, apektado rin ng PSP ang mga katubigan sa Daula at Tagbilaran City sa Bohol at Milagros sa Masbate.
Ayon sa BFAR, maaari namang kainin ang mga isda, alimango, hipon at pusit sa mga naturang lugar basta sariwa at
nalinisan nang maigi ang mga ito, at tinanggal ang lamanloob ng mga ito, gaya ng bituka, bago lutuin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.