Natagpuan ang isang human fetus sa isang creek sa Barangay Ilawod sa Camalig, Albay.
Ayon sa tagapagsalita ng pulisya ng Albay na si Chief Inspector Arthur Gomez, lumabas sa pagsusuri na lalaki at
tinatayang nasa tatlo hanggang apat na buwang gulang ang fetus.
Dinala naman ito sa Saint John the Baptist Church para basbasan at kalaunan ay inilibing sa Barayong Catholic
Cemetery.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para kilalanin ang ina ng fetus na maaaring makasuhan dahil
dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.