Inireklamo ng isang siyam na taong gulang na batang babae ang pamahalaan ng India dahil sa bigong pag-aksyon
sa isyu ng climate change.
Binigyang diin nito ang lumalaking problema sa polusyon at ang environmental degradation sa kanyang bansa.
Sa petisyon na inihain sa National Green Tribunal (NGT), isang special court para sa mga environment-related
cases, iginiit ni Ridhima Pandey na bigo ang gobyerno ng India na maipatupad ang mga environment laws nito.
Ipinapanawaagn sa naturang petisyon na obligahin ng tribunal ang gobyerno ng India na gumawa ng isang
epektibo at science-based na aksyon para mabawasan at malimitahan ang epekto ng climate change.
Kaugnay nito, inutusan ng nasabing tribunal na sumagot sa loob ng dalawang linggo ang Ministry of Environment
and the Central Pollution Control Board.
Ayon naman sa tagapagsalita nito, sila ay tutugon sa nasabing petisyon.