Sec. Lopez kinastigo ng NPC sa pang-iisulto sa isang reporter
Nanawagan ang opisyal ng National Press Club (NPC) kay Environment Secretary Gina Lopez na humingi ng tawad dahil sa kanyang pagmumura sa isang mamamahayag.
Giit ni NPC Director Joe Torres, pang-iinsulto ang ginawa ni Lopez na isang banta sa malayang pamamahayag sa bansa.
Ipinahayag ni Torres ang pagkundena sa aksyon ng kalihim at sinabing hindi nito kinukunsinte ang tinawag niyang pagsasawalang bahala ng gobyerno sa ginagampanang tungkulin ng mga mamamahayag.
Noong Huwebes, minura ni Lopez ang mamamahayag ng Business World na si Janina Lim na humihingi ng paglilinaw ukol sa memorandum ng kalihim na na nag-aatas sa mga suspendidong mining firms na maglaan ng P2 Million trust fund para sa paglilinis ng kanilang mga minahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.