Tiniyak ni Enviroment and Natural Resources Sec. Gina Lopez sa mga kawani nito na walang magaganap na malawakang balasahan sa kagawaran.
Ginawa ito ni Lopez sa kabila ng napabalitang paglilipat nito kina Miriam Marcelo, ang Personnel Division Chief at Rolando Castro – Director for Human Resources ng ahensya sa ibang departamento.
Noong nakaraang Biyernes, nag-rally ang mga miyembro ng DENR Employees’ Union (DENREU) sa DENR main building sa Quezon City para iprotesta ang paglilipat sa dalawang opisyal.
Pinulong na ni Lopez ang mga nasabing empleyado at tiniyak nito na hindi matatanggal ang mga ito sa mga kasalukuyan nilang posisyon.
Ayon kay Lopez, ang gusto niyang mamuno sa Human Resources ay mga Visionary na tutulong para sa ikauunlad ng DENR.
Nilinaw din ng kalihim na nananatili si Castro sa kanyang posisyon at ito ay nakausap na niya.
Magtatrabaho aniya sila para mapaunlad ang Pilipinas at kanilang ahensya.