Sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na naibalik sa normal bago mag-alas kwatro ng hapon kanina ang suplay ng kuryente na naapektuhan ng power tripping dulot ng naganap na lindol.
Ayon sa advisory ng NGCP, nawalan ng mahigit sa 2,000 megawatts ang kabuuan ng Luzon Grid dahilan para magpatupad ng automatic load dropping sa ilang lalawigan sa Luzon kabilang sa Batangas, Laguna, Quezon, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Tarlac at Nueva Ecija.
Kaugnay nito, sinabi ng NGCP na patuloy nilang tinututukan ang sitwasyon at tiniyak ang kahandaan nila para rumesponde sa kaagad sa oras ng emergency tulad ng lindol.
Samantala, balik na sa normal ang operasyon ng Batangas Port kaninang alas-singko ng hapon makaraang suspindehin ng Philippine Coat Guard ang kanilang operasyon kanina dahil sa pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.