Kinumpirma ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na nagkaroon ng mga bagong cracks at sira ang Taal Basilica na nauna nang naapektuhan ng naganap na lindol sa lalawigan kamakailan.
Ito kaugnay pa rin sa naganap na magnitude 5.6 na lindol kanina sa malaking bahagi ng Southern Tagalog Region.
Napilitan rin ang mag duktor sa Batangas Medical Center na kaagad na ilabas sa ospital ang kanilang mag pasyente makaraang mapansin ang mga bitak sa ilang bahagi ng gusali ng naturang pagamutan.
Sinabi rin ni Mandanas na limang mga bahay ang winasak ng lindol sa Brgy. Majuben sa bayan ng Mabini, Batangas samantalang maraming iba pa ang mga may minor cracks.
Sinabi ni Mandanas na patuloy pa rin siya sa pagkolekte ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang mga local officials sa lalawigan.
Sa kabutihang palad ay wala pang naitatalang namatay o kaya ay grabeng nasaktan sa naganap na lindol pasado alas-tres ng hapon kanina ayon naman sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Counil (NDRRMC).