Quezon City Hall isinara sa publiko makalipas ang lindol
Pinalabas ang lahat ng mga occupants at mga empleyado ng Quezon City Hall makalipas ang magnitude 5.6 na lindol pasado alas-tres ng hapon kanina.
Ipinaliwanag ni Quezon City Hall Spokesman Ares Gutierrez na isang standard operating procedure ang paglilikas sa lahat ng mga tao sa Quezon City Hall kapag may trahedya tulad ng lindol o kaya naman ay sunog.
Kinakailangan umanong magbigay muna ng go signal ang Quezon City Engineering Office para matiyak na ligtas ang bawat sulok ng gusali bago ito muling buksan sa publiko.
Makalipas ang lindol kanina ay nawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila pero naibalik rin ito kaagad.
Patuloy naman ang pagdating ng mga dagdag na impormasyon sa monitoring unit ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.