Protesta para sa mas maraming libreng pabahay ilulunsad ng Kadamay

By Jimmy Tamayo April 08, 2017 - 10:39 AM

Kadamay1
Inquirer file photo

Nagbanta ang urban poor group na Kadamay o Kalipunan ng Damayang Mahihirap na maglulunsad sila ng pambansang protesta.

Ito’y para kalampagin at hilingin sa pamahalaan na ipa-mahagi sa mga mahihirap at walang bahay ang mga naka-tiwangwang na lupa sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ng Kadamay na dapat ay malayang ipamigay ng National Housing Authority ang mga hindi naman natitirhang pabahay para sa mga tunay na nangangailangan.

Umapela din ang grupo sa gobyerno na tutukan ang problema sa mga housing projects sa halip na paalisin at i-demolish ang bahay ng mga “informal settlers,”

Dagdag pa ni Kadamay Chairperson Gloria “Ka Bea” Arellano, milyon-milyon ang mga Pilipino sa buong bansa ay walang sariling tahanan at nanganganib na ma-demolish ang kanilang tirahan.

Sa pagtaya ng Kadamay, nasa 53-thousand na mga idle housing units sa animnapu’t isang lugar sa Metro Manila at sa probinsya na inilaan para sa mga sundalo at pulis ang hindi naman natitirhan.

TAGS: arellano, Bulacan, Kadamay, NHA, arellano, Bulacan, Kadamay, NHA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.