Mga Pinoy sa Syria pinauuwi na ng pamahalaan

Syria Airstrike
AP

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na nasa Syria na umuwi na sa bansa dahil sa patuloy na paglala ng kaguluhan doon.

Sinabi ni DFA Spokesman Asec. Charles Jose na itinaas na rin nila ang pinakamataas na alert level sa nasabing bansa kasunod ng air strike ng U.S sa mga vital installation ng Syrian government.

Base sa record ng DFA, may 1,400 na mga Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Noong Huwebes ay ipinag-utos ni U.S President Donald Trump ang air strike sa Syria makaraan ang isinagawang gas attack ng Syrian government sa ilang lugar ng mga sibilyan na nagresulta sa kamatayan ng maraming mga bata.

May ilang taon na rin ang nagaganap na kaguluhan sa Syria makaraang maglunsad ng giyera sa gobyerno ang mga rebelde doon.

Sinabi ng DFA na regular silang nakatatanggap ng updates mula sa Philippine Embassy sa Damascus.

Read more...