De Lima: Media, pinagiinitan ni Duterte para maghinganti

By Kabie Aenlle April 08, 2017 - 06:18 AM

de-lima1Patunay lamang ang mga tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Daily Inquirer at ABS-CBN na siya ay mapaghiganti.

Itinuturing ni Sen. Leila de Lima na “unprecedented” at “condemnable” ang mga sunud-sunod na banat ni Duterte sa dalawang media organizations kamakailan sa kaniyang mga talumpati.

Ayon kay De Lima, lumalabas na hinuhugot ni Duterte ang kaniyang mga banat mula sa mga naunang hindi magandang karanasan o ulat ng mga media outfit laban sa kaniya.

Ang tinutukoy ni De Lima ay ang mga pinakahuling pambabatikos ni Duterte sa Inquirer at sa ABS-CBN nang bumisita siya sa Armed Forces Western Command sa Camp Gen. Artemio Ricarte sa Palawan.

Dito niya sinabi na may mga utang na buwis umano ang mga may-ari ng Inquirer sa pamamagitan ng donut shops chain na pag-aari din nito.

Hindi naman aniya ipinalabas ng ABS-CBN ang airtime na kaniyang binili para sa kaniyang kampanya noong nakaraang taon, at sa halip ay ang propaganda ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ipinalabas nito.

Ani De Lima, ipinakita lamang ni Duterte na siya ay mapaghiganti at ginagawa niyang personal ang lahat ng bagay, habang inaasahan ang mga tao na masanay na lang dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.