Ang tinaguriang “Masagana 99” ng Marcos administration, ay muling bubuhayin bilang “Masaganing Ani 200.”
Ipinatupad ang Masagana 99 noong 1973, isang taon matapos ipatupad ang martial law.
Layon ng Masagana 99 na makamit ang self-sufficiency ng bansa sa bigas sa pamamagitan ng pagtataas ng unmilled rice production ng hanggang sa 99 na kaban kada ektarya.
Ayon naman kay Agriculture Sec. Manny Piñol, sa Masaganang Ani 200, target nilang itaas sa 200 kaban kada ektarya ang produksyon ng palay.
Aniya, sa ganitong paraan, mapapanatiling stable ang food supply, lalo na’t patuloy na bumababa ang produksyon ng bigas na ibinebenta sa iba’t ibang mga bansa.
Dagdag pa ni Piñol, hindi maaring basta na lang dumepende ang Pilipinas sa supply ng ibang bansa.
Paliwanag ng kalihim, hindi naman kakailanganing palawakin pa ang lupang pagtatamnan, kundi kailangan lamang ma pagandahin ang ginagamit na teknolohinya sa pagtatanim.