Pagpatay sa babae sa Bulacan, posibleng dahil sa love triangle

By Kabie Aenlle April 08, 2017 - 05:09 AM

Christine BalagtasLove triangle ang isa sa mga tinitingnang dahilan ng pagpatay sa babaeng dating beauty queen sa Plaridel, Bulacan.

Noong Miyerkules ay binaril ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek si Mary Christine Balagtas matapos magdeliver ng mga ito ng bouquet ng bulaklak na may kasama pang kahon ng tsokolate sa mismo niyang tahanan.

Malakas ang paniniwala ng mga pulis na hired assassins ang mga nasabing lalaki.

Ayon kay Plaridel police chief Supt. Julio Lizardo, magsasampa sila ng kaso laban sa mastermind sa pagpatay kay Balagtas, na hindi naman na nila pinangalanan.

Aniya, ang ina ni Balagtas ang nagturo sa kanila kung sino ang pinaka-hinihinalang pumatay sa kaniya, at hawak na nila ang pangalan nito.

Una nang sinabi ni Lizardo na ang isa sa mga leads an ibinigay sa mga imbestigador ay may kinalaman sa dating nakarelasyon ni Balagtas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.