Lahat ng sangay ng Paras Alter Station, isinara ng BIR

By Jan Escosio April 07, 2017 - 09:06 PM

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Hindi nagpatinag ang mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue at isinara ang lahat ng sangay ng Paras Alter Station dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Pinangunahan ni BIR Regional Director Marina De Guzman ang pagsisilbi ng closure order sa main branch ng Paras Alter Station sa Libis, Quezon City.

Ayon kay De Guzman noon pang nakaraang taon nila nadiskubre na kulang ang buwis na ibinabayad ng may-ari ng negosyo na si Linaflor Paras.

Inabutan ng BIR team ang kawani ni Paras sa Eastwood branch at agad itong napatawag sa kanyang amo.

Sa pakikipag-usap ng mga taga BIR sa mister ni Paras ay nabanggit diumano pa nito na personal silang kakilala ni Sen. Win Gatchalian.

Nabatid na kasabay nito ay ipinasara na rin ang lahat ng sangay ng Paras Alter Station sa Metro Manila, Cavite at Pampanga.

Paalala ni de Guzman naway magsilbi itong halimbawa na wala silang kakatakutan sa pagpapatupad nila ng kanilang oplan kandado.

TAGS: BIR, Paras Alter Station, BIR, Paras Alter Station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.