Mga employer na hindi nagre-remit ng kontribusyon, ipapakulong ng SSS

By Alvin Barcelona April 07, 2017 - 05:53 PM

sssIpapakulong na ang mga pasaway na employer na hindi magreremit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado sa Social Security System (SSS).

Ang mga employer na lumalabag sa nasabing batas ay posibleng makulong nang hanggang 15 taon.

Babala pa ni SSS Chairman Amado Valdez, kukumpiskahin nila ang mga ari-ariian ng mga delinquent employer at ang kikitain sa pasubasta dito ay ang magsisilbi nang bayad nito.

Matatandaang noong nakaraang Enero ay inaresto ng SSS ang cosmetic surgeon na si Dr. Joel Mendez dahil sa kabiguang magremit sa kontribusyon ng mga empleyado nito.

TAGS: Amado Valdez, employer, remit, Social Security System, sss, Amado Valdez, employer, remit, Social Security System, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.