AFP, susundin ang direktiba na pag-ukopa sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea

west-ph-seaSusundin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-ukopa sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea ayon kay AFP Chief Chief of Staff General Eduardo Año.

Aniya wala namang problema sa pag-ukopa sa mga islang pagmamay-ari ng bansa base sa ruling ng Permanent Court of Arbitration.

Binigyang diin ni Año ang naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na okupado na ng Pilipinas ang nasa walong isla habang ang iba naman ay okupado na ng China, Vietnam at iba pang claimant-countries.

Dagdag pa niya, kailangang palakasin ang tropa ng militar doon at pagpapaunlad ng mga istruktura at pasilidad doon.

Kaugnay nito, hindi na idinetalye pa ni Año ang bilang at lokasyon ng tropa ng militart dahil sa seguridad.

Read more...