28 sugatang sundalo ginawaran ni Pangulong Duterte ng Wounded Personnel Medallion
Aabot sa dalawamput walong sugatang sundalo ng 41st Infantry Battalion ang ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Wounded Personnel Medallion sa Camp Teodulfu Bautista Station Hospital sa Jolo, Sulu.
Nasugatan ang mga sundalo matapos ang tatlong oras na pakikipagbakbakan sa Abu Say
yaf Group (ASG).
Bukod sa Wounded Personnel Medallion, binigyan din ng pangulo ng cash assistance, baril at cellphone ang mga sugatang sundalo.
Natutuwa ang pangulo sa kagitingan na ipinamalas ng mga sundalo.
Bukod sa pagbisita sa mga sugatang sundalo, ibinida rin sa pangulo ang animnaput dalawang armas na nakuha ng military sa bandidong grupo.
Nangako rin ang pangulo ng housing projects at Gloc Caliber 45 model 30 na baril sa mga sundalo bago matapos ang taong kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.