Pentagon, naglabas ng pahayag kaugnay ng missile strike ng US sa Syria
Naglunsad ng cruise missile strike ang US laban sa Syrian Air Force airfield, 4:40 am ngayong araw oras sa Syria.
Sa inilabas na pahayag ng Pentagon, ito ay tugon kasunod ng chemical weapon attack sa Khan Sheikhoun na pumatay sa 86 katao kabilang ang mga babae at mga bata.
Iginiit ng Pentagon na hindi papayagan ang paggamit ng chemical weapon laban sa mga inosenteng tao.
Target ng nasabing strike ang Shayrat Airfield sa Homs Governate kung saan nakaimbak ang mga naturang chemical weapon at kung saan galing ang aircraft na nagsagawa ng pag-atake.
Ayon sa Pentagon, nasa 59 Tomahawk Land Attack Missiles (TLAMSs) ang isinagawa sa nasabing airfield na inilunsad mula sa USS Porter at USS Ross sa Eastern Mediterranean Sea kung saan puntirya ang aircraft, hardened aircraft shelters, petroleum and logistical storage, ammunition supply bankers, air defense systems at radars.
Binigyang diin ng Pentagon na nagsagawa sila ng ‘extraordinary measures’ para maiwasan ang pagkadamay ng mga sibilyan at masunod ang Law of Armed Conflict.
Bago pa ang isinagawang strike ay napagbigay alam na ng US sa Russian forces ang nasabing strike gamit ang isang deconfiction line.
Aniya, layon ng srike na mapigilang muli ang gobyerno ng Syria sa paggamit ng chemical weapon na siyang maglilimita sa kapabilidad nito.
Sa kasalukuyan, ayon sa Pentagon ay kanilang ina-assess ang resulta ng nasabing strike.
Base initial indications ng strike ay malubhang napinsala ang Syrian aircraft, support infrastracture at mga equipment ng Shayrat Airfield.
RAW VIDEO: Footage from U.S. Defense Department shows some of the missiles fired at Syria from 2 U.S. Navy ships.
The Associated Press (@AP) April 7, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.