Mag-iikot ang mga MTRCB Board Members sa mga bus terminals sa kahabaan ng EDSA-Cubao sa April 10 kabilang ang Araneta Center Cubao Terminal Station (7:00am-8:00am), Baliwag Transit Inc. (9:00am-9:30am), Genesis Transport Inc. (9:40am-10:10am) at Jam Liner Inc. sa (10:30am-11:00am)
Sunod dito ang Maynila sa April 11 kung saan kabilang ang Fariñas Transit Company (8:30am-9:30am), G.V. Florida Transport Inc. (10:00am-10:30am), Dalin Liner (11:30am-12:00PM) at Victory Liner Inc. (12:30pm-1:00pm).
Ang nasabing aktibidad ay isasagawa ilang araw bago ang inaasahang pagdagsa ng libu-libong mga pasahero na bibiyahe sa kani-kanilang mga probinsya.
Layon ng aktibidad na madagdagan ang public awareness at masiguro na ang tanging General Audience (“G”) o Parental Guidance (“PG”) ang film classification na ipapalabas sa mga bus para hindi ma-expose ang mga batang pasahero sa mga materyal na hindi angkop sa kanilang edad.
Ang naturang inspeksyon ay pagsuporta sa information at dissemination campaign ng ahensya sa lahat ng mga bus operators na suriin ang kanilang compliance sa mga rules and regulation ng Board at para malaman ng mga bus commuters ang kanilang mga karapatan sa isang responsible, age-appropriate at value-based media habang sakay ng mga “mobile theaters” o habang naghihintay sa mga bus terminal stations.