Asec. Densing, naniniwalang walang walang kinalaman sa korapsyon ang pagsibak kay Sueno

By Rod Lagusad April 07, 2017 - 01:43 PM

FB photo
FB photo

Naniniwala si Asec. Epimaco Densing na walang kinalaman sa korapsyon ang dahilan ng pagkakasibak ni dating DILG Sec. Mike Sueno.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Densing na “loss of confidence” ito.

Ayon kay Densing ito ay prerogative ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa niya na hindi pwedeng kwestiyunin ang dahilan ng pangulo sa pagtanggal kay Sueno sa gabinete.

Kaugnay naman ng morale sa naturang kagawaran, ay nanatiling matatag ang mga empleyado nito.

Kanyang rin hinimok ang mga ito na maging mapagmatiyag laban sa katiwalian sa loob ng departamento.

TAGS: DILG, Epimaco Densing, mike sueno, Rodrigo Duterte, DILG, Epimaco Densing, mike sueno, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.