LRT Line 1, nagpaalala sa operasyon nito ngayong Holy Week

By Len Montaño April 07, 2017 - 11:09 AM

LRT1Nagpaalala ang Light Rail Transit (LRT) Line 1 ukol sa operasyon nila sa semana santa.

Walang biyahe ang LRT Mula april 13 Huwebes Santo hanggang April 16 na Linggo ng Pagkabuhay.

Sa April 17, araw ng lunes babalik ang normal na operasyon ng LRT 1 na magsisimula alas kuwatro trenta ng madaling araw.

Isasabay naman sa pagtigil ng operasyon sa Holy Week ang maintenance works sa mga tren ng LRT at sa dalawampung istasyon nito.

Payo ng LRT 1 sa mga pasahero, planuhin na ang kanilang alternatibong masasakyan sa mga araw na walang biyahe ang naturang light rail system.

TAGS: Holy Week, Line 1, LRT, Holy Week, Line 1, LRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.