Nasa 27 dito ang bata habang mahigit 500 mga katao ang sugatan.
Ayon sa mga Turkish health officials, lumabas sa resulta ng post-mortem na isinagawa sa mga biktima ay tumutukoy sa maaring exposure sa ipinagbabawal na nerve agent na sarin.
Ayon sa OPCW, sinimulan na nilang makipag-ugnayan sa mga otoridad sa Syria at humingi na ng impormasyon kaugnay ng naturang pag-atake sa Khan Sheikhun.
Nanawagan din ito sa lahat ng estado na lumagda sa Chemical Weapons Convention na magbahagi ng kahit anong impormasyon na maaring may kinalaman sa mga alegasyon ng paggamit ng chemical weapon sa pag-atake sa Syria sa probinsya ng Idlib.