Chemical watchdog, may patuloy na imbestigasyon sa chemical attack sa Syria
Patuloy ang imbestigasyon ng chemical weapons watchdog na Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) kaugnay ng hinihinalang chemical attack sa Syria na pumatay sa hindi baba sa 86 katao.
Nasa 27 dito ang bata habang mahigit 500 mga katao ang sugatan.
Ayon sa mga Turkish health officials, lumabas sa resulta ng post-mortem na isinagawa sa mga biktima ay tumutukoy sa maaring exposure sa ipinagbabawal na nerve agent na sarin.
Ayon sa OPCW, sinimulan na nilang makipag-ugnayan sa mga otoridad sa Syria at humingi na ng impormasyon kaugnay ng naturang pag-atake sa Khan Sheikhun.
Nanawagan din ito sa lahat ng estado na lumagda sa Chemical Weapons Convention na magbahagi ng kahit anong impormasyon na maaring may kinalaman sa mga alegasyon ng paggamit ng chemical weapon sa pag-atake sa Syria sa probinsya ng Idlib.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.