Gobyerno at NDFP, nagkasundo sa land distribution

By Kabie Aenlle April 07, 2017 - 04:45 AM

RAUL M. FRANCIA/CONTRIBUTOR
RAUL M. FRANCIA/CONTRIBUTOR

Nakabuo ang mga peace negotiators ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ng kasunduan tungkol sa libreng land distribution na magiging gabay sa pagpapatupad ng agrarian reform.

Sa pitong pahinang joint statement, sinabi ng magkabilang panig na ang nasabing kasunduan at ang interim joint ceasefire agreement ang dalawa sa pinakamalalaking achievements ng fourth round ng peace talks sa Netherlands.

Ang nasabing land reform ay bahagi ng Comprehensive Agreement on Socioeconomic Reforms (CASER), na itinuturing ng NDFP na mahalagang usapin dahil isa ito sa mga ugat ng hindi pagkakasundo ng dalawang panig.

Nagkasundo ang pamahalaan at NDFP na ang isyu sa territory at taxation ay matatalakay at mareresolbahan sa pagbuo nila ng Comprehensive Agreement on Political and Constitutional Reforms.

Isasagawa ang diskusyon tungkol dito nang may gabay ng framework sa panukalang pagbuo ng Federal Republic of the Philippines.

Ayon kay Norwegian Special Envoy to the Philippine Peace Process, Elisabeth Slattum, nakakabilib ang pagpupursige ng dalawang panig na maisulong ang usaping pangkapayapaan.

Hindi kasi aniya naging madali para sa mga negotiators ang pinakahuling round ng peace talks, lalo’t kailangan nilang gumawa ng mga “painful compromises” para lang maabot ang kanilang layunin.

Nakatakda namang maganap ang susunod na round ng peace talks sa May 26 hanggang June 2.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.