Australia at New Zealand, nagbabala tungkol sa mga posibleng pag-atake sa ANZAC Day

By Kabie Aenlle April 07, 2017 - 03:40 AM

(AFP Photo/Francois Nascimbeni)
(AFP Photo/Francois Nascimbeni)

Nagpaalala ang Australia at New Zealand sa posibilidad ng pag-atake ng mga extremists sa commemoration ng isang World War I campaign na isasagawa sa Turkey ngayong buwan.

Ayon kay Australian Veterans Affairs Minister Dan Tehan, nasa 500 Australians at New Zealanders ang rehistradong maglakbay patungong Gallipoli, Turkey para sa ANZAC Day sa April 25.

Bagaman naglabas sila ng babala, wala namang ibinigay na partikular na banta sa seguridad ang mga opisyal.

Hindi rin nagbigay ng iba pang detalye tungkol dito si Australian Federal Police deputy commissioner Mike Phelan sa kung baakit sila naglabas ng paalala.

Aniya, nakatanggap lamang ang pamahalaan ng impormasyon na maaring may pinaplanong pag-atake ang mga extremists.

Iginiit lang ni Phelan na tinitingnan lang nila ang posibilidad na umatake ang mga terorista sa kasagsagan ng malalaking selebrasyon.

Ang ANZAC Day ay isang taunang holiday na gumugunita sa April 25, 1915 landings sa Gallipoli, na kauna-unahang major military action na nilabanan ng Australian at New Zealand Army noong World War I.

Sa kabila naman nito, magpapatuloy pa rin ang mga nakatakdang aktibidad at selebrasyon sa nasabing araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.