Kinilala ni Plaridel police chief Supt. Julio Lizardo ang biktima na si Mary Christine Balagtas, na dati pang nanalong Lakambini ng Bulacan noong 2009.
Tinanggap umano ni Balagtas ang mga bulaklak na dinala sa kaniya ng dalawang lalaki pasado alas-9:00 ng umaga ng Miyerkules sa 1st La Mirada Subdivision sa Barangay Banga sa Plaridel.
Isinugod pa sa Our Lady of Mercy Hospital sa Pulilan si Balagtas, ngunit idineklara rin siyang dead on arrival.
Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo, ngunit may leads na ngayon ang mga pulis na makakatulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga ito.