Duterte, nanindigan sa pagsibak kay Sueno

By Kabie Aenlle April 07, 2017 - 04:38 AM

Duterte VietnamNanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang desisyon na sibakin si dating Ismael “Mike” Sueno bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil umano sa katiwalian.

Iginiit ng pangulo na isa siyang abogado at alam niya ang kaniyang ginagawa.

Hindi rin aniya siya nababahala dahil marami namang ibang talentado, matapat at matatalinong empleyado na maaring pumalit kay Sueno.

Samantala, bagaman iginiit ni Sueno na malinis ang kaniyang konsensya, nilinaw niyang hindi siya galit sa pangulo.

Aniya, nabiktima lamang siya ng intriga at kailanman hindi siya tumanggap kahit isang sentimo mula sa sinuman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.