Senado, maaring maglabas ng resolusyon sa ethics complaint laban kay De Lima

By Kabie Aenlle April 07, 2017 - 04:37 AM

De Lima mugshotPosibleng makapaglabas na ng resolusyon sa susunod na buwan ang Senate committee on ethics tungkol sa reklamong inihain sa kanila laban kay Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, makikipagpulong siya sa mga miyembro ng komite upang desisyunan na ang affidavit at counter-affidavit.

Ito’y para hindi na rin aniya makadagdag sa mga problema sa Senado, pati na rin sa senadora at sa Kamara.

Aniya pa, sa tingin niya ay makakabuo na sila ng desisyon pagbalik nila mula sa kanilang Holy Week break na matatapos sa May 2.

Dagdag pa ni Sotto, masyado nang maraming bumabatikos sa tagal ng kanilang proseso kaya aapurahin na nila ito.

Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang isampa nina House Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang nasabing reklamo laban kay De Lima.

May kaugnayan ito sa pagpigil nito sa kaniyang dating driver at karelasyon na si Ronnie Dayan na dumalo sa pagdinig sa Kamara tungkol sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.