Duterte maglalagay ng bandila ng Pilipinas sa West Philippine Sea
Balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal na pumunta sa Pag-asa Island sa June 12, Araw ng Kalayaan para personal na maglagay doon ng bandila ng bansa.
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga sundalo sa Western Mindanao Command sa lalawigan ng Palawan, sinabi ni Duterte na dapat manatili sa puso ng mga Pinoy ang pagiging makabayan.
Nais din ng pangulo na patatagin ang pwersa ng bansa sa mga pinag-aagawang isla sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay doon ng mga dagdag na barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.
Ipinaliwanag rin ng pangulo sa kanyang talumpati na papalitan niya ang pangalan ng Benham Rise at gagawin itong Philippine Ridge sabay ng pagtatalaga ng pwersa ng Philippine Navy sa lugar.
Noong panahon ng kampanya ay nauna nang sinabi ng pangulo na pupuntahan niya ang mga isla na sakop ng bansa sa West Philippine Sea sakay ng jet ski para maglagay ng mga bandera ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.