Ilang residente sa Cagayan, inilikas dahil sa banta ng storm surge

August 21, 2015 - 08:03 AM

cagayan mapNagpatupad na ng preemptive evacuation sa ilang bayan sa lalawigan ng Cagayan dahil sa banta ng storm surge bunsod ng napakalakas na hangin na nararanasan sa lalawigan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Usec. Alexander Pama, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC posibleng makaranas ng storm surge ang mga dalampasigan ng Northern Cagayan, partikular ang mga bayan ng Sta. Ana, Buguey, Gonzaga, at Aparri.

Nasa 377 na katao na ang inilikas mula kagabi hanggang kaninang madaling araw mula sa mga bayan ng Gonzaga at Teresita sa Cagayan at mula sa Calayan Islands.

Handa na rin ayon kay Pama ang mga lokal na pamahalaan at ang Provincial disaster office sa Cagayan sakaling kailangan pang maglikas ng mas maraming residente. “Ang taas ng alon ay maaasahan po dahil sa lakas ng hangin. Ang storm surge po ay posibleng maranasan sa dalampasigan ng Northern Cagayan sa Sta. Ana, Buguey, Gonzaga at Aparri. So far wala pa namang naitatalang storm surge pero nag pre-emptive evacuation nap o mula kahapon,” ayon kay Pama

Maliban sa mga lalawigan sa Northern Luzon na apektado ng bagyong Ineng sinabi ni Pama na nakatutok din ang NDRRMC sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan na nakararanas ng pag-ulan dahil sa epekto ng habagat.

Posible kasi ayon kay Pama na hanggang sa Lunes ay maramdaman ang epekto ng habagat na pinalalakas ng bagyong Ineng./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: preemptive evacuation in Cagayan, preemptive evacuation in Cagayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.