Sibakan sa gobyerno itutuloy ni Duterte sa susunod na linggo
Sa kabila ng sunud-sunod na pagsibak sa mga tiwaling opisyal, walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na tumigil sa pagsibak sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa pangulo, hindi siya takot na maubusan ng tauhan sa gobyerno.
Paliwanag ni Duterte, mayroong 110 milyong mga Pinoy ang walang trabaho.
Sa naturang bilang, tiyak aniya na marami ang magagaling at matatalinong Filipino na maaring pagpilian.
Pagtitiyak pa ng pangulo, kahit alingasngas lamang aniya ng katiwalian ang makarating sa kanyang tanggapan ay agad na sisibakin ang mga ito kayat sa darating na Lunes ay marami pa siyang sisibaking mga opisyal.
Matatandaang kahapon lamang sinibak ng pangulo si Usec. Maia Chiara Halmen Reina Valdez na nakatalaga sa Office of the Cabinet Secretary dahil sa isyu ng imoprtasyon ng bigas.
Bukod kay Valdez, sinibak din ng pangulo si DILG Sec. Mike Sueno dahil sa sinasabing involvement nito sa maanomalyang firetrucks deal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.