Operasyon ng AFP kontra NPA tuloy pa rin

By Rohanisa Abbas April 06, 2017 - 04:45 PM

AFP operationsNilinaw ng Armed Forces of the Philippines na hindi pa epektibo ang interim joint bilateral ceasefire sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front (NDF).

Inihayag ni AFP Spokesperson BGen. Resitituto Padilla na hangga’t hindi pa nailalatag ang guidelines at ground rules para sa interim joint ceasefire ay hindi pa maipatutupad ang dokumentong nilagdaan ng peace panel sa ikaapat na round ng peace talks.

Ayon kay Padilla, ang naturang dokumento ay pagpapakita na bukas at handa ang gobyerno at NDF sa tigil-putukan.

Sinabi pa ng opisyal na patuloy pa rin ang operasyon ng militar laban sa New People’s Army (NPA).

TAGS: AFP, NDF, NPA, operations, AFP, NDF, NPA, operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.