PDI AT ABS CBN muling nakatikim ng mura kay Duterte

By Den Macaranas April 06, 2017 - 04:07 PM

Duterte budgetMuling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang media organization na umano’y pinamumunuan ng ilang mga “oligarchs”.

Sa kanyang talumpati sa harapan ng mga sundalo sa Wastern Mindanao Command sa lalawigan ng Palawan, sinabi ni Duterte na noong panahon ng kampanya ay bumili sila ng airtime sa ABS-CBN at ito ay kanilang binayaran ng cash.

Umabot umano sa daang milyong piso ang kontrata pero hindi naman naibigay ang sapat na exposure at air time na kanilang binayaran.

Binatikos rin ng pangulo ang Philippine Daily Inquirer dahil sa umano’y atraso sa buwis ng mga nagmamay-ari ng Philippine franchise ng Dunkin Donuts na sila ring may kontrol sa nasabing pahayagan.

Pinakialaman umano ni dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares ang kaso kaya hindi pa napapanagot ang Dunkin Donuts sa kanilang atraso sa buwis na umaabot sa mahigit sa isang bilyong piso.

Nauna dito ay nagbanta ang pangulo na kakalkalin niya ang records ng ilan sa mga nagmamay-ari ng media firms sa bansa partikular na ang kanilang record sa mga binabayarang buwis.

Ang Philippine Daily Inquirer ay sister company ng Radyo Inquirer 990AM.

TAGS: ABS-CBN, BIR, duterte, henares, inquirer, ABS-CBN, BIR, duterte, henares, inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.