Sueno: Ginawa nila akong sacrifial lamb

By Den Macaranas April 06, 2017 - 03:32 PM

DILG Sueno
Inquirer photo

Hindi napigil ni outgoing Interior Sec. Mike Sueno ang maluha habang nagpapa-alam sa ilang mga tauhan at staff ng DILG na na kanyang nakasama sa nakalipas na ilang buwan.

Sinabi ng kalihim na taas-ulo niyang iiwan ang kanyang tanggapan dahil alam niya na wala siyang ginawa na anumang uri ng katiwalian sa loob ng DILG.

Binanggit rin ni Sueno na siya ay sacrificial lamb at biktima ng mga intriga sa loob ng kagawaran.

Inamin din ng opisyal na masakit sa kanyang damdamin na pinagbintangan siya ng mga isyu na wala naman siyang kinalaman at hindi rin siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag pero tinanggap daw niya ito ang maluwag sa kanyang puso.

Si  Sueno ay magugunitang inireklamo ng tatlo sa kanyang mga undersecretaries at isinangkot sa maanomalyang firetrucks deal mula sa Austria.

Nauna nang sinabi ni Sueno na wala siyang nakikitang mali sa ginawang pagbili ng mga trak ng bumbero sa Austria at sa Rosenbauer supply contract dahil hindi naman nito nilabag ang Republic Act 9184 or the new government procurement law.

Ang nasabing kasunduan ay nilagdaan pa noong panahon ni dating DILG Sec. Jesse Robredo noong April, 2013.

Bukod sa DILG, inaprubahan rin ng NEDA Board, Office of the President, Department of Budget and Management, Department of Justice at Department of Finance ang nasabing kontrata.

TAGS: DILG, duterte, mike sueno, DILG, duterte, mike sueno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.