Biyahe sa Amerika ni Cong. Amado Espino, pinagbigyan ng Sandiganbayan
Pinagbigyan ng Sandiganbayan si Pangasinan Rep. Amado Espino Jr. na makaalis ng bansa para magtungo sa Amerika.
Sa resolusyon ng 6th division ng anti-graft court, pinapayagan si Espino na makalabas ng bansa mula April 9 hanggang May 1, 2017, para makadalo sa ilang events ng Pangasinan associations sa U.S.
Sa naunang motion to travel ni Espino, binanggit nito na naimbitahan siya ng Association of Pangasinenses in America Foundation Inc. o APAFI sa New Jersey, at Pangasinan Brotherhood USA o PB-USA sa California.
Maliban dito, sinabi ni Espino na ipapa-check-up niya ang kanyang chronic obstructive pulmonary disease.
Si Espino ay nahaharap sa kasong graft sa Sandiganbayan, kaugnay sa umano’y maanomalyang black sand mining sa Lingayen Guld noong siya ay gobernador pa ng Pangasinan.
Matatandaan na sinuspinde ng korte sa Espino bilang kongresista sa loob ng siyamnapung araw, dahil sa naturang na kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.