Provincial gov’t ng Rizal, kumikilos na para hindi maagaw ng Kadamay ang mga housing projects sa kanilang nasasakupan

By Ricky Brozas April 06, 2017 - 02:19 PM

KADAMAY BARIKADAPatuloy na nakikipag-ugnayan ang Rizal Provincial Housing Office sa National Housing Authority, Rizal PNP at mga munisipyo na may mga relocation site partikular sa bahagi ng Tanay, Baras, Morong, Teresa at Rodriguez upang hindi maagaw ng mga miyembro ng Kadamay.

Ayon kay Dong Malonzo, OIC Rizal Provincial Housing & Resettlement Division, ginawa ang hakbang upang huwag mangyari ang naganap sa Pandi, Bulacan na pwersahan inukopa ng mga miyembro ng Kadamay ang mga pabahay ng gobyerno sa mga kagawad ng PNP, AFP at BJMP.

Ayon pa kay Malonzo bantay sarado at mahigpit anya ang kanilang monitoring sa mga pabahay sa mga naturang bayan upang hindi mapasok ng mga Kadamay.

Kasabay ang patuloy na pakikipag-usap anya nila sa NHA para makalipat na ang mga lehitimong aplikante ng pabahay, at makasuhan ang mga housing awardees na may paglabag sa kontrata sa NHA.

Matatandaan noong martes inanunsyo ni Pangulo Rodrigo Duterte sa pagharap niya sa anniversary ng Philippine Army na ibibigay na lamang niya sa mga myembro ng Kadamay ang pinasok nilang housing units sa Pandi Bulacan.

TAGS: AFP, Baras, BJMP, Kadamay, Morong, NHA, PNP, Provincial gov’t ng Rizal, Rizal, Rodriguez, tanay, Teresa, AFP, Baras, BJMP, Kadamay, Morong, NHA, PNP, Provincial gov’t ng Rizal, Rizal, Rodriguez, tanay, Teresa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.