ERC chair at tatlong iba pa, kinasuhan na ng NBI sa Ombudsman

salazar edited aug 5Nagsampa na ng kasong graft ang National Bureau of Investigation sa Office of the Ombudsman laban kay Energy Regulatory Commission chief Jose Vicente Salazar at tatlong iba pa.

Ito’y kaugnay ng umano’y pagpasok nila sa mga maanomalyang kontrata para sa isang infomercial project nang hindi dumadaan sa public bidding.

Kasama sa mga inireklamo sina Prescia Vanessa Reynante-Reynoso ng ERC Legal Service, Teofilo Arbalate Jr. na OIC ng ERC Planning and Information Service, at Luis Morelos na may-ari ng advertising firm na FatFree Inc.

Lumabas kasi sa imbestigasyon ng NBI na napili ang FatFree Inc. kahit na hindi ito kwalipikadong sumali sa bidding.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon sa isyu matapos magpakamatay si ERC Director Francisco Jose Villa Jr., dahil umano sa pressure mula kay Salazar.

Pinipilit umano kasi siya ni Salazar na gawan ng paraan na maibigay sa mga preferred companies ang ilang mga kontrata.

Read more...