20 arestado sa ikinasang raid sa tatlong cybersex den sa QC
Arestado ang dalawampu katao matapos salakayin ang mga cybersex den sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.
Unang sinalakay ng Quezon City Police District-Special Operations Unit at PNP-Anti Cybercrime Group ang isang unit sa One Executive Bldg. sa West Avenue at dito naaresto ang 10 kalalakihan.
Ikinasa ang kasunod na operasyon sa isang residential building sa Ilocos Sur St., Brgy. Bago Bantay at naaresto ang sampung iba pa.
Wala namang dinatnang tao ang mga operatiba sa huling operasyon sa isa pang condominium sa Timog Ave.
Ayon kay QCPD Director Sr. Supt. Guillermo Eleazar, nagsisilbing online chat operators at nagpapanggap na mga modelo ang mga nahuling suspect para sa mga parokyanong foreigner na nakikipag-cybersex.
Ayon pa kay Eleazar, ginagamit ng mga suspect ang mga impormasyong kanilang nakuha para kikilan ang kanilang mga nabibiktima.
Nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
WATCH:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.