Dalawang senador, tutol sa pag-pabor ni Duterte sa Kadamay
Binatikos ni Sen. Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpabor sa pananatili ng mga miyembro ng Kadamay sa mga inokupa nilang pabahay na nakalaan para sa mga sundalo at pulis.
Ayon kay Gordon, pagpapakita ng maling senyales ang ginawang ito ni Ginoong Duterte.
Iginiit ng senador na malinaw na mali ang ginawang pag-okupa ng libu-libong Kadamay members sa mga housing units sa Pandi, Bulacan, sabay dagdag na tila pagkunsinti sa anarkiya ang ginawang ito ng punong ehekutibo.
Banggit pa ni Gordon, sa ginawang ito ng pangulo ay tila nadapa siya sa kaniyang sariling espada.
Gayundin ang pananaw ni Sen. Panfilo Lacson.
Ayon kay Lacson, nagsilbing imbitasyon ang ginawa ni Duterte para palaganapin ng mga miyembro ng kadamay ang anarkiya.
Para aniyang hinayaan ng pangulo na manggulo at labagin ang batas.
Dagdag pa ni Gordon, ang National Housing Authority (NHA) dapat ang nag-resolba ng nasabing problema para sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.