Mahigit P100k na halaga ng marijuana, nasabat sa Pasay
Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P100,000 na halaga ng marijuana na itinago sa package mula sa Canada.
Ayon kay BOC Deputy Commissioner of Intelligence Group Atty. Teddy Raval, nakapangalan ang nasabing package sa isang 23-anyos na si Deandre Travis Johnson Cruz, residente ng Pasay City.
Tumungo si Cruz sa Central mail Exchange Center (CMEC) warehouse sa Pasay City para kuhanin ang nasabing package, na idineklara bilang mga sample umano ng mga sweater.
Ngunit nang inspeksyunin ito, napag-alaman na ang laman pala nito ay 343 na gramo ng marijuana na nakasilid sa apat na vacuum-sealed na plastic pouches.
Nag-tangka pa si Cruz na tumakas dala ang mga marijuana ngunit napigilan din ito at nahuli.
Isinailalim ang mga laman ng package sa eksaminasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laboratory, at doon nakumpirma na may mga traces nga ng marijuana ang mga ito.
Mahaharap na ngayon sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.
Isinailalim na rin sa inquest proceedings si Cruz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.